Inatasan kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang may 1,600 overseas Filipino workers (OFWs) sa Yemen na boluntaryong lumikas dahil sa umiigting na kaguluhan sa nabanggit na bansa na itinaas na sa ‘alert level 2’ ng ahensya. Ayon DFA Undersecretary Rafael Seguis, sa ilalim ng alert level 2 ay pinag-iingat ang pagbibiyahe ng mga Pinoy sa ilang lugar sa Yemen kung saan mayroong kilos protesta o kaya’y boluntaryo na ang mga itong umuwi ng bansa. Daan-daang OFWs pa rin mula sa Libya ang dumadating sa NAIA araw-araw. (Jonas Sulit) Gayunpaman, pinayuhan ng DFA ang mga apektadong Pinoy na siyang dapat mag-ayos pansamantala ng kanilang travel arrangement habang abala at tinatapos pa ng gobyerno ang paglilikas sa mahigit pang 26,000 Filipino workers sa Libya. “Voluntary departure is when done by our nationals on their won,” ani DFA spokesman Ed Malaya. Inabisuhan din ng DFA ang mga Pinoy sa Yemen na makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas para sa mga karagdagang abiso kung ano ang mga nararapat na gawin at patuloy na mag-monitor sa sitwasyon at panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon. “Keep an emergency bag ready which contains clothing, water, canned goods and medicine for two weeks, ani Seguis.
REAKSIYON :
Mas makakabuti kung iseguridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga OFW natin sapagkat sila ay mga bayani natin. Alalahanin natin na sila ay kapwa nating mga Filipino kaya maganda kung ililigtas ng pamahalaan ang ating mga magigiting na bayani. Sila rin ang pangunahing nagpapasok ng dolyar sa ating bansa na siyang nagpapaunlad sa atin. Mangyaring wala naman silang kasalanan sa mga nang yayari doon sa Yemen. Alalahanin n=din natin na may pamilya rin sila dito sa ating bansa. Kapakanan ang dapat isipin ng ating pamahalaan para sa ating mamamayang Filipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento