Hindi natin alam kung mabagal ba ang pagrescue sa mga mamamayan natin sa nangyaring paglindol sa Newzealand. karamihan kasi nang mga nan doon ay mga pilipino at di narin natin masisisi ang kalikasan sapagkat tayo rin naman ang may kasalanan at ito namna ay natural na. Sa nangyaring ito sa anak nya pinapakita lang nang pamahalaan na ang kupad nila sapagkat bawat buhay ay mahalaga. Pero siguro kung ako naman ang magrerescue wala akong magagawa kung mabagal talaga sapagkat hindi naman madali ang magbuhat at ayusin ang mga pinsala na ginawa ng paglindol na iyon.

Miyerkules, Marso 9, 2011
Iuwi n’yo na lang ang bangkay ng anak ko!”
Ito ang apela ng isang ama na halos mawalan na ng pag-asang makita pa nang buhay ang kanyang anak na kasama sa talaan ng mga Filipino nurses na-trap sa gumuhong Canterbury Television (CTV) building sa Christchurch, New Zealand na ibinagsak ng malakas na lindol. Ayon kay Emmanuel Anova sa isang radio interview, isang provincial guard sa Cebu City, umaasa pa siyang buhay ang kanyang anak na si Emmabel, ngunit kung kasama ito sa mga nasawi sa lindol, “iuwi na lamang ang bangkay sa amin.” Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay wala pang natatanggap na balita ang kaanak ng mga Filipino nurses na na-trap sa lugar. Si Anova ay nagpapatulong na rin sa pamahalaang panlalawigan ng Cebu para sa mas mabilis na pag-aksyon at pagkuha ng impormasyon sa ginagawang pag-rescue sa mga na-trap na Pinoy sa Christchurch City. Ikinabahala rin ng pamilya Anova ang ulat na hindi tuluy-tuloy na pagsasagawa ng rescue operation. Labis na rin ang pag-aalala ng mga kaanak ng isa pang Pinay na sinasabing na-trap na kinilalang si Rhea Mae Sumalpong dahil hindi na nila ito makontak kumpara noong mga nakaraang araw na tuluy-tuloy pa ang pakikipagkomunikasyon nito sa pamamagitan ng text message. Sa kabila ng naputol na pakikipag-ugnayan ay kumpiyansa pa rin ang mga kaanak ni Sumalpong na ito, kasama ang mga na-trap na iba pang Pinoy ay buhay pa at mare-rescue sa lalong madaling panahon. Bukod kina Anova at Sumalpong, sinasabing kasama rin ng mga ito nang maganap ang paglindol sina John Christopher Chua mula sa Lapu-Lapu City, Ezra Mae Medalle, Cecil Redoble at Jewel Francisco na pawang hindi pa matukoy kung saan nakatira sa Pilipinas. Kaugnay nito ay naki pag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kaanak ng mga nawawalang Pinoy na na-trap sa Canterbury Television building at pinagsumite na ng dental records ng mga nawawalang medical workers upang makilala ang mga ito. Sa pinakahuling ulat, sinabi ng New Zealand police na ang foreign students na nahugot mula sa guho ay hindi na makilala dahil sunog na rin ang mga bangkay ng mga ito.
REAKSIYON :
Hindi natin alam kung mabagal ba ang pagrescue sa mga mamamayan natin sa nangyaring paglindol sa Newzealand. karamihan kasi nang mga nan doon ay mga pilipino at di narin natin masisisi ang kalikasan sapagkat tayo rin naman ang may kasalanan at ito namna ay natural na. Sa nangyaring ito sa anak nya pinapakita lang nang pamahalaan na ang kupad nila sapagkat bawat buhay ay mahalaga. Pero siguro kung ako naman ang magrerescue wala akong magagawa kung mabagal talaga sapagkat hindi naman madali ang magbuhat at ayusin ang mga pinsala na ginawa ng paglindol na iyon.
Hindi natin alam kung mabagal ba ang pagrescue sa mga mamamayan natin sa nangyaring paglindol sa Newzealand. karamihan kasi nang mga nan doon ay mga pilipino at di narin natin masisisi ang kalikasan sapagkat tayo rin naman ang may kasalanan at ito namna ay natural na. Sa nangyaring ito sa anak nya pinapakita lang nang pamahalaan na ang kupad nila sapagkat bawat buhay ay mahalaga. Pero siguro kung ako naman ang magrerescue wala akong magagawa kung mabagal talaga sapagkat hindi naman madali ang magbuhat at ayusin ang mga pinsala na ginawa ng paglindol na iyon.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
YEMEN OFW's PINALALARGA
TumugonBurahinInatasan kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang may 1,600 overseas Filipino workers (OFWs) sa Yemen na boluntaryong lumikas dahil sa umiigting na kaguluhan sa nabanggit na bansa na itinaas na sa ‘alert level 2’ ng ahensya.
Ayon DFA Undersecretary Rafael Seguis, sa ilalim ng alert level 2 ay pinag-iingat ang pagbibiyahe ng mga Pinoy sa ilang lugar sa Yemen kung saan mayroong kilos protesta o kaya’y boluntaryo na ang mga itong umuwi ng bansa.
Daan-daang OFWs pa rin mula sa Libya ang dumadating sa NAIA araw-araw. (Jonas Sulit)
Gayunpaman, pinayuhan ng DFA ang mga apektadong Pinoy na siyang dapat mag-ayos pansamantala ng kanilang travel arrangement habang abala at tinatapos pa ng gobyerno ang paglilikas sa mahigit pang 26,000 Filipino workers sa Libya.
“Voluntary departure is when done by our nationals on their won,” ani DFA spokesman Ed Malaya.
Inabisuhan din ng DFA ang mga Pinoy sa Yemen na makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas para sa mga karagdagang abiso kung ano ang mga nararapat na gawin at patuloy na mag-monitor sa sitwasyon at panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon.
“Keep an emergency bag ready which contains clothing, water, canned goods and medicine for two weeks, ani Seguis.
REAKSIYON :
Mas makakabuti kung iseguridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga OFW natin sapagkat sila ay mga bayani natin. Alalahanin natin na sila ay kapwa nating mga Filipino kaya maganda kung ililigtas ng pamahalaan ang ating mga magigiting na bayani. Sila rin ang pangunahing nagpapasok ng dolyar sa ating bansa na siyang nagpapaunlad sa atin. Mangyaring wala naman silang kasalanan sa mga nang yayari doon sa Yemen. Alalahanin n=din natin na may pamilya rin sila dito sa ating bansa. Kapakanan ang dapat isipin ng ating pamahalaan para sa ating mamamayang Filipino.
APAT NA PINOY PASOK SA BILLIONER LIST
Pasok ang apat na Pinoy sa listahan ng mga pinakamayayamang tao sa buong mundo, base sa inilabas na ulat ng Forbes Magazine.
Nangunguna sa talaan ng mga Pinoy ang retail magnet na si Henry Sy ng SM Group, na pang-173 sa 2011 Billionaires List na may yamang $5.8 bilyon.
Nasa pang-512 naman ang negosyanteng si Lucio Tan, may-ari ng Philippine Airlines at Asia Brewery sa yamang $2.3 bilyon habang nasa 540 puwesto naman si Andrew Tan, $2.2 bilyon habang si port magnate Enrique Razon ay nasa ika-1057 na may $1.1 bilyong yaman.
Sa ngayon ay umaabot na sa 1,210 ang mga bilyonanaryo sa mundo. Nanguna sa listahan ng pinakamayamang tao sa mundo ang telecom tycoon na si Carlos Slim Helu ng Mexico matapos ungusan ang richest man ng Amerika na si Bill Gates.
REAKSIYON :
Ito'y mga halimbawa ng mga mamamayang Filipino para sa akin karapat dapat silang kumita ng ganung kalaki. Hindi tulad ng iba na kino corrupt lang ang pera ng ating bansa. Ang mga bilyon-bilyong pondo ng pamahalaan ay napupunta lang sa kasamaan. Isa rin sila sa mga dapat nating tularan bagamat alm natin ang una nilang buhay gaya ni HENRY SY ay sa simpleng magsasapatos lang ngunit nakabangon at ngaun ay isa na sa pinaka mayayaman sa buong mundo . Sapagkat lahat naman tayo ay maykakayahan yumaman, magsikap lang tayo sa buhay at maabot din natin ang ating pangarap.