Bunsod ng nakakaalarmang linggu-linggong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa dahil sa nangyayaring gulo sa Gitnang Silangan ay dapat nang kumilos ang pamahalaan para mapigil ito. Dalawang panukalang batas ang nakahain sa Kamara na naglalayon na mapigil ito, ang isinusulong na ibaba sa 6% ang kasalukuyang 12 Value Added Tax (VAT) na ipinapataw sa mga produktong petrolyo at ang panukalang pag-amyenda sa Republic Act No. 8479 o Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 na isinusulong ni Bayan Muna partylist Rep. Teddy CasiƱo, na naglalayong malutas at mapigil na ang tuluy-tuloy na pagtataas ng presyo ng langis na ipinapataw ng mga kumpanya ng langis. Sa panukala naman na pagtatapyas sa VAT sa oil products na aprubado na ng House committee on ways and means, inaasahang bababa ng P3 hanggang P4 ang presyo ng la ngis kapag naging ganap na itong batas.
REAKSIYON :
Patuloy parin ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa ating sa bansa bunsod sa mga kaguluhang nangyayari sa ating mga importer ng petrolyo. Sadyang napaka mahal talaga ng langis ngayon sapat ito ang pinaka mahal sa lahat ng produkto sa buong mundo sapagkat ang ang pangkalahatang Produksiyon ng Langis ay napaka mahal . Sa mga mangagawa palang, sa makabagong teknolohiya sa mga di inaasahang kalamidan sa mga bansa na pangunahing pinagkukunan ng langis. Dapat sa ating mga Pilipino matutong magtipid. Hanga ako sa lungsod ng MAKATI sapagkat gumagamit sila ng alternatibong pamalit sa petrolyo na hindi gumagastos ng P49. sa loob ng isang araw, ung E-JEEP na ginagamit na nila enviromental and economical friendly sapagkat ang lagis na gamit nila ay mura at hindi pa nakakasira ng kapaligaran at hindi nakakadagdag sa polyusiyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento