Linggo, Marso 13, 2011

Trauma sa Japan: 6-oras na lakad sa kaligtasan ‘AYOKONG MAMATAY DITO!’ -- OFW



“Nakakatakot! Ipagdasal n’yo ako, ayokong mamatay dito.”


Ito ang umiiyak na bilin ni Riza Sermino, 46, hotel staff sa Tokyo, Japan nang makausap sa telepono ng kanyang mga kamag-anak sa Pilipinas habang idinuduyan ng 8.9 magnitude na lindol ang kanilang hotel kamakalawa.
Ayon kay Sermino, nasa ikaapat na palapag siya sa pinagtatrabahuang hotel nang umuga ang gusali.
Nag-unahan umano ang mga staff at guest sa paglabas sa hotel na nag-crack na din dahil sa lakas ng lindol.


“Marami kami, ‘di namin alam kung papasok kami uli sa hotel o sa labas lang kasi nagsasayaw talaga ang mga building,” dagdag pa nito kung saan daan-daang katao umano ang nasa kalye ng Tokyo na pawang nanginginig at nag-iiyakan dahil sa pangambang gumuho ang dikit-dikit na nagtataasang building sa paligid.


Sanay umano ang mga tao sa Japan sa lindol, pero sa pinakahuling pag-uga ng lupa, sinabi ni Sermino na ‘yun ang pinakamatindi na kanilang naranasan kaya nga pakiramdam nila ay hindi na sila makakalabas nang buhay sa Japan.


Kamakalawa, natigil ang operasyon sa Tokyo kung saan nawala ang kuryente, komunikasyon at mga tren na pangunahing pampublikong transportasyon doon.


Sa kagustuhang matakasan ang bangungot sa kinalalagyan, si Sermino ay nakisabay na lang umano sa mga taong nagla lakad pauwi sa kanilang mga tahanan.


“Dahil walang operasyon ang tren, naglakad na lang daw siya. Sobrang ginaw daw sa Japan, tapos halos anim na oras bago siya nakarating sa tinutuluyan niyang condo,” ani Dondon, kapatid ni Sermino.


“Maghapon at magdamag daw siyang (Riza) nanginginig at dasal ng dasal kasi tuluy-tuloy ang aftershocks,” dagdag pa ni Dondon base sa kuwento ng kapatid. Para umanong mga papel na hinihipan ng hangin ang nagtataa sang building na kanilang nadadaanan bawat uga ng lupa sa hindi mabilang na aftershocks.




REAKSIYON :
              Isa na namang suliranin na dapat gampanan ng ating pamahalaan na isecure ang ating mga mamamayang pilipino. Mga manggawa, mga kababayan at iba pa na nainirahan sa bansang Japan. Grabe na talaga ang nangyayari sa mundo at sa bawat kalamidad nito ay naroon ang ating mga kababayan na siyang pangunahing yaman ng bansa. Maraming nahihirapan sa pagcontact sa ating mga kababayan doon bunsod ng malaking pagkasira ng mga lugar doon. Magtulungan tayo sapagkat hindi tayo na nalalayo sa pinangyarihan. Binalaan narin ang 19 na coastal areas na maging handa sa tsunami sapagkat malapit sila sa pinakamalaking dagat na pumuksa sa lugar ng Sendai, Japan. Ang ating pamahalaan ay patuloy na mag antabay sa kaligtasan ng ating bansa lalo na ang mga mamamayang pilipino.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento