Pasok ang apat na Pinoy sa listahan ng mga pinakamayayamang tao sa buong mundo, base sa inilabas na ulat ng Forbes Magazine. Nangunguna sa talaan ng mga Pinoy ang retail magnet na si Henry Sy ng SM Group, na pang-173 sa 2011 Billionaires List na may yamang $5.8 bilyon. Nasa pang-512 naman ang negosyanteng si Lucio Tan, may-ari ng Philippine Airlines at Asia Brewery sa yamang $2.3 bilyon habang nasa 540 puwesto naman si Andrew Tan, $2.2 bilyon habang si port magnate Enrique Razon ay nasa ika-1057 na may $1.1 bilyong yaman. Sa ngayon ay umaabot na sa 1,210 ang mga bilyonanaryo sa mundo. Nanguna sa listahan ng pinakamayamang tao sa mundo ang telecom tycoon na si Carlos Slim Helu ng Mexico matapos ungusan ang richest man ng Amerika na si Bill Gates.
REAKSIYON :
Ito'y mga halimbawa ng mga mamamayang Filipino para sa akin karapat dapat silang kumita ng ganung kalaki. Hindi tulad ng iba na kino corrupt lang ang pera ng ating bansa. Ang mga bilyon-bilyong pondo ng pamahalaan ay napupunta lang sa kasamaan. Isa rin sila sa mga dapat nating tularan bagamat alm natin ang una nilang buhay gaya ni HENRY SY ay sa simpleng magsasapatos lang ngunit nakabangon at ngaun ay isa na sa pinaka mayayaman sa buong mundo . Sapagkat lahat naman tayo ay maykakayahan yumaman, magsikap lang tayo sa buhay at maabot din natin ang ating pangarap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento