“Mabilis ang pangyayari. Hindi na rin tayo magtataka kung sa loob lamang ng 9 na oras ay ganyang kadami ng mga mahal nating mamamayan ang nailikas sa mga liblib na lugar. Ang masasabi ko lang, ang espiritu ng bayanihan ay mas lumalakas pa sa ating mga Pinoy,” ani Executive Director Benito Ramos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa pinakahuling report ng NDRRMC, uma bot sa 43,194 pamilya o 224,243 katao ang kusa at puwersahang inilikas ng mga awtoridad sa loob lamang ng siyam na oras mula sa mga coastal barangay ng tatlong lungsod at 59 na bayan ng 11 probinsiya mula Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa banta ng tsunami sa eastern coast.
Sa Ilocos Norte, 2,112 pamilya (10,560 katao); Batanes, 130 pamilya (600 katao); Cagayan, 4,527 pamilya (30,965 katao); Isabela, 1,058 pamilya (5,385 katao); Aurora, 917 pamilya (4,585 katao); Quezon, 130 pamilya (648 katao); Albay, 10,000 pamilya (50,000 katao); Camarines Norte, 5,000 pamilya (25,000 katao); Camarines Sur, 2,300 pamilya (11,500 katao); Catanduanes, 14,000 pamilya (70,000 katao); at Sorsogon, 3,000 pamilya (15,000 katao).
Naisagawa ang mabilisang paglikas sa loob lamang ng siyam na oras makaraang iduyan ng napakalakas 8.9 magnitude na lindol na sinundan ng 33-foot na taas ng tsunami sa Japan dakong alas-2:46 ng hapon noong Biyernes na kumitil sa tinatayang mahigit 1,000 katao (kasama ang missing na feared dead) sa nasabing bansa.
“Immediately after the alert level 2 was raised, we have to act quickly. We’ve implemented pre-emptive evacuations of a total 224,243 people from 3 cities, 59 towns in 11 provinces,” ani Ramos.
Pero bago pumutok ang araw ay nagsibalik sa kani-kanilang tahanan ang mga evacuees.
Itinaas sa alert level 2 ang sitwasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) pasado alas-tres ng hapon dahil paparating na ang tsunami sa bansa at inasahang tatama sa pagitan ng alas-singko ng hapon hanggang alas-nuwebe kamakalawa ng gabi.
Naitala ang 17 sea-level changes sa Barangay San Vicente, Cagayan; Virac, Catanduanes; Baler, Aurora; Mati, Davao Oriental; Davao City; at Legazpi, Albay pero hindi sapat upang makapaminsala.
Tinanggal ang tsunami alert dakong alas-11:30 ng gabi kamakalawa rin.
Pinapurihan ng Malacañang sa pamamagitan ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte ang buong sambayanan sa ipinakitang diwa ng “bayanihan” at ang lahat ng ahensyang nagtulung-tulong para sa mabilis na paglalatag ng ‘preemptive measures’ mula sa Phivolcs, NDRRMC, Philippine National Red Cross (PNRC) at mga local government units (LGUs).
Maging ang media ay pinasalamatan ng palasyo bilang epektibong instrumento sa mabilis na pagpapakalat ng mahahalagang impormasyon at anunsyo.
REAKSIYON :
Maganda ang hakbangin ng NCRD napalikasin ang ating mga mamamayang pilipino na malapit sa mga nasabing coastal areas na binantaan ng tsunami. Maganda rin ang ginagawang hakbang ng pamahalaan at philvocs na tayo ay bigyan nang mga paunang babala sa ating kaligtasan sa mga nasabing kalamidad. Dapat tayong maging handa sa lahat nang mga di inaasahang pangyayari. pakaingatan natin ang ating kalikasan. Dapat din taong kumilos dahil wala naman tayong ibang sisisihin kundi tayo ring mga tao na sumisira at patuloy napinapatay ang ating kalikasan. Sana magsilbing mga aral itong mga nangyayari. Pahalagahanan natin ang ating bansa. Kasi ito rin ang magpapa-unlad sa ating ekonomiya. Kumilos tayo habang di pa huli ang lahat. Hindi naman ito gagalaw kundi sa pamamagitan lang ng lakas-paggawa natin. Ang kakayahan natin ay susi sa pag-unlad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento