Huwebes, Marso 10, 2011

BANTAY-PRESYO

 Maghihigpit ang tambalang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa ginagawang bantay-presyo para masiguro ang proteksyon ng mga konsumer laban sa nagsasamantalang mga negosyante. Binigyang-diin kahapon ni DA Asst. Sec. Salvador Salacup na sa ginawa nilang pagkwenta ay hindi sapat na basehan ang nangyayaring serye ng oil price hike para magsiakyat din ang presyo ng ibang paninda. Partikular sa tinututukan ay ang presyo ng gulay at iba pang agricultural products. Mabigat na parusa umano ang ilalapat sa mahuhuling abusadong tindero at tindera.


REAKSIYON : Dapat pamahalaan ito ng sektor sa pamilihan sapagkat marami ng mga masasamang tindiro at tindera na walang ginawa kundi mamuhunan sa mga kinikita nilang tubo sa mga produkto nila. mahirap na nga ang ating buhay tapos ganun pa yung mga mamamayan natin. Dapat nga nagtutulunga tayo ih. Hindi dapat pinapairal ang ganitong ugali . Tama lang na bantayan ang ating pamilihan sppagkat pare-parehas din tayong maapektuhan balang-araw. Dapat nakarehistro lahat ng mga nagtitinda kahit pa sidewalk vendor sila. LAHAT TAYO NAGHIHIRAP AT WALA NANG MAKAIN SA HIRAP NANG BUHAY NGAYON. Pero spat pa naman sa amin . Inaalala ko lang yaong mga butas na talaga ang mga bulsa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento